NOON: Magkaibigan. Magkasintahan. Nagmamahalan. NGAYON: Magkaaway. Ex-lovers and they hate each other. Sa nakalipas na ilang taon, muling nagkrus ang kanilang mga landas. Sa di inaasahang pagkakataon silang dalawa ang muling magkakasama. Ito na ba ang tamang panahon para isara ang nakabinbin na kabanata ng kahapon, upang makausad na sila sa kanya-kanya nilang buhay? O kaya naman ay linawin ang mga nangyari sa nakaraan para madugtungan ang matamis na pagmamahalan?