PREVIEW Mula second year high school pa lamang si Yda pinapangarap na niya na makita sa personal ang sikat na football player na si Gregor Marciano. Ngunit katulad nang inaasahan malabo talagang mangyari iyon. Mabuti sana kung nakatira siya sa Maynila, may tsansa siguro na makita niya ang lalaki sa isa sa mga games nito. Pero heto siya't nabuburo sa isang baryo na tila mas maliksi pa ang pagong sa pag-usad. Ngunit hindi lamang iyon, labing-dalawang taon lang naman ang agwat ng kanilang edad. Kahit pa sabihin ng iba na hindi niya dapat seryosohin ang nararamdaman dahil matatawag lang naman iyong infatuation at sa kalauna'y mawawala rin. She's on the contradictory side of course! Naniniwala siyang balang araw makikita niya rin ito. Basta ang nasa isip lang niya, bahala na ang tadhanag pagtagpuin sila ni Greg!