#RomanceInTheJeepneyTerminal
15 parte Kumpleto Meet Raspberry Girl - isang office girl na nagsisimulang mag-adjust sa buhay government employee. Maliit lang ang mundo na kanyang ginagalawan na umiikot sa kanyang trabaho, pamilya at ang kanyang manliligaw na si Kerwin.
Ngunit nagbago ang lahat nang nakita niya si Emong - isang high school teacher na may one-sided love sa isang kaibigan na matagal na niyang kinikimkim.
At ang buhay nila ay nagbago nang nagtagpo sila sa terminal ng jeep sa Malabon.
Paano kung ang dalawang ito ay sabay sumakay sa biyahe ng buhay at pag-ibig? Sino ang unang sisigaw ng "para"? Makakaya kaya nila ang biglang preno ng tadhana? Maririnig kaya nila ang busina ng kanilang nararamdaman sa bawat isa?
Base sa tunay na buhay ng may akda, halina't sumakay sa isang biyahe na tatak sa iyong isip at puso na kung saan may traffic ang emosyon at humaharurot ang kilig.