Mula nung bata pa si Ayla at simulang nagkaisip, hangad na niya'y tahimik at magandang buhay para sa kaniyang pamilya. Ngunit sadyang malupit ang tadhana at hindi sila tinatantanan ng mga taong kasamaan ang dulot sa kanila. Sa kanyang batang pagiisip,natutunan niyang ipagtanggol ang kanyang pamilya. Lalo na't mayroong malaking problemang pinasok ang kanyang ama. Dahil sa hirap napili ng kanyang ama na kumapit sa patalim. Kasalukuyan na nagtatrabaho ang kanyang ama sa ilegal na Gang. Ang kanyang ama ang nagtutulak ng mga ipinagbabawal na gamot at mga ilegal na armas. Dahil sa pinasok na propesyon ng kanyang ama, napilitan siyang matutong ipaglaban ang kanyang pamilya laban sa nakakataas. Paano nga ba malulutas ni Ayla ang problemang kanyang kinasasadlakan? Makamit niya kaya ang katahimikang kanyang hinahangad o lalong gugulo lamang ang sitwasyon niya? Pano kung ang taong nagparamdam sa kanya ng kapayapaan ay siyang kalaban niya? Makakaya niya pa kayang ipagtanggol ang kanyang pamilya?All Rights Reserved
1 part