Naranasan mo na bang mag mahal? Paano kung yung taong minahal mo ay kaibigan lang ang turing sayo? Handa ka bang isugal ang pagkakaibigan sa ngalan ng pagibig? Ano nga ba ang mas matimbang, pag-ibig o pagkakaibigan?
Paano nga ba mababago ng isang maling desisyon ang takbo ng buhay ng isang tao?? Halina't Alamin natin kung papaano babaguhin ng mga maling desisyong ito ang buhay nina Adrian, Alex, Sophie at Jay.
Kwento ng mga taong nagmahal, minahal, umasa, pinaasa, nanloko at naloko. Istorya ng pagkakaibigan na sinira ng pagmamahalan. Iba't ibang uri ng taong naging instrumento ng tadahana para maipakita ang tunay na kahulugan ng pagmamahal at pagsisi.