Anong gusto nyong regalo ngayongdarating na kapaskuhan? Mga materyal na
bagay ba gaya ng bagong damit, sapatos,
gadgets, laruan, make up kit, perfume,
musical instrument? O kaya naman ay
BONUS o bagong LOVELIFE?
Para sa isang dalagita na namuhay nang
malayo sa pamilya. Ano kaya ang hiling
niya ngayong darating na kapaskuhan?
Si Chelsea, nag-iisang anak nina Flor at
Sergio. Mayaman, maganda, mabait at
talentadong bata. Sunod sa layaw. Ngunit
hindi siya masaya sa kung ano ang meron
siya. Bakit?
"Nanay Ising, tumawag na po ba di
Mommy?", tanong ni Chelsea sa kanyang
yaya.
"Anak, hindi pa ulit tumatawag si Flor.
Nung isang linggo pa ang huli niyang
tawag.", sagot ni Nanay Ising.
"Uuwi daw po ba sila, ha? Nanay?",
nasasabik na tanong ni Chelsea.
"Naku, anak. Ang sabi lang ni Flor ay may
dadating daw na package. Wala siyang
nabanggit tungkol sa pag-uwi niya.",
malungkot na tugon ni Nanay Ising.
"Ah ganoon po ba?", dismayadong tugon
ni Chelsea.
"Sige po, magbibihis na ako. Papasok na
po ako.