Why is it so hard to be happy? Paano ang pinakamadaling paraan para maging masaya? Sabi nila, mararamdaman mo ang tunay na kaligayahan sa piling ng taong mahal mo. Paano kung dumating ang sandali na makasama mo nga sya...ngunit pansamantala lamang? Makakaya mo bang mawala sya gayong sa kanya mo lang naramdaman ang kasiyahang noon pang hinahanap-hanap ng puso mo? Paano kung ang taong hulog ng langit para sa'yo...ay literal na galing sa langit?