Limang taon si Leslie ng kupkupin ng pamilya Ventura. Mabait ang mag-asawa sa kanya at itinuturing siyang anak ng mga ito. Ang problema lamang ay ang dalawang anak na lalaki ng mga ito, sina Jared at Lenard. Ang nais lang naman niya ay isang buong pamilya na hindi naibigay sa kanya ng kanyang ina. Subalit kahit anong gawin niya ay hindi siya maituring ng mga ito na kapatid, bakit kaya?