Upang mapanatili ang balanse ng Annwn, isang mortal ang sapilitang kinuha at dinala sa mundong hindi pa nya nakikita "Sino ka? Anong ginagawa ko dito?" "Makinig ka sakin Mortal, kinakailangan mong maging ligtas hanggang sa makarating tayo sa palasyo, pero para mangyari yun kinakailangan mong magtiwala sakin" "Ayoko na dito! Ibalik mo na ako samin!" Pero paano kung kailan nahanap na nya ang paraan para makabalik sa mundong kanyang pinanggalingan, ay saka naman sya nakahanap ng dahilan para manatili doon. "Sumama ka sakin sa mundo ko, mabuhay tayo dun ng payapa. Hindi mo na kailangang dungisan pa ng dugo ang iyong mga kamay." "Hindi ko kayang iwan ang mundong ito. Kailangan nila ako.." "PERO KAILANGAN DIN KITA...!" "Bumalik ka na sa mundo mo, kung saan ka mas nababagay. Paalam Emilia." Hanapin man nya ang daan pabalik sa mundong kanya naring minahal, ay mananatili na lamang iyong kwento tulad sa isang libro na palaging may katapusan.. ANNWN TALE