Si Brianna ay isang antipatika na magmamana ng isang school. Sa school niya, ipinagbabawal niya ang mga 'daga' o scholars. Para sa kanya, ang paaralan niya ay para lamang sa mga mayayaman at di sa feeling mayayaman. Dahil sa di kagandahan ang ugali niya ay ipinasok ng kanyang lolo si Alfred bilang isang scholar na may misyon na paibigin si Brianna para lumambot ang pusong bato nito mula sa karanasan sa kanyang mga magulang.