REBOUND "to bounce back off something after hitting it" "to increase or improve after a recent or decline basketball : to catch the ball after a shot missed going in the basket" -Ms. Merriam (Webster-Dictionary) Ito ang depinisyon ng salitang REBOUND na nakalathala sa sikat na diksyunaryong ito. Oo nga naman. Kahit saang diksyunaryo man tignan ay kapareho nito ang makikitang ibig-sabihin. Lalo na sa larong basketball. Pamatay ang tirang ito para sa mga nanood. Sa bawat puntos na dala nito'y kasiyahan ang naibibigay sa mga manlalaro. Ngunit taliwas ang damdaming ito sa isang depinisyon ng salitang REBOUND kung saan iikot ang ating kwentong. REBOUND! Ang kolokyal na tawag sa mga taong panakip-butas lamang. Tipo bang sila ang tatawagin kung wala ang tunay na star player sa puso ng kanilang minamahal. Isang tao na hindi isang manlalaro, kung hindi nilalaro. Nilalaro ng kanilang minamamahal na may mahal na iba. Isang taong may kalungkutan na nadarama kung iniisip niyang isa lama