Mahirap man sabihin pero lahat tayo nakaranas nyan. Isang bagay na di mo maiiwasan at isang bagay na hindi mo inaasahan. Maaaring masaya kayo ngayon dahil mahal niyo ang isa't isa pero hindi natin alam kung forever ba talaga. Pero sana kahit WALANG FOREVER, wag nman sana tayong BITTER. Lahat ng nangyayari sa buhay mo may dahilan at wag na wag mo yang kakalimutan. Hnd ka naman siguro mamamatay pag tinanggap mo ang katotohanan. Nakakamatay nga lang isipin kasi nagmamahal ka lang naman dba? At pagnagmahal ka lalo na pag totoo nararamdaman mo para sa kanya, masasaktan ka talaga.