Ang Pag-ibig ay walang pinipiling itsura. Kahit bagang na lang ang nag-iisang ngipin niya o Ang motto ng tagyawat niya ay we don't die we multiply, wala kang magagawa kung ang mukhang yan ang magpapaligaya sayo habang-buhay. Ang Pag-ibig ay walang pinipiling katayuan sa buhay. Kahit Starbucks pa ang kape niya sa umaga samantalang ikaw ay twinpack na nga lang pinag-aapat mo pa, Kung kayo ang nakalaan para sa isa't-isa, hindi magiging hadlang ang pera at estado sa buhay para kayo ay mamuhay ng masaya. Ang Pag-ibig ay walang pinipiling edad. Kahit pa doble ng edad mo ang tanda niya sayo at magkamukha na sila ng nanay mo. Pag puso mo na ang nagsabing she's the one, dale ka! Siya na talaga! Eto na nga ang problema. Ang Pag-ibig ay walang pinipiling kasarian. Wala nga. Hindi ko napigilan ang puso ko mahulog sa isang lalake. Ang malupet pa nito, sa kapatid ko pa.