Oo isa akong Nerd. Ano namang paki nila eh dito ako masaya? Ayos lang sana kung sabihin nilang panget ako. Pero yung physical na silang nananakit at sobra na ang panlalait nila ay di ko na kayang palampasin. Masyado ng mahaba ang binigay kong pasensya sa kanila, kaya lumayo ako at sisiguraduhing kong babalik uli ako. Kaya pagkatapos ng ilang taon masasabi ko ng "I'm Back!!" Maghanda na sila, dahil hindi na ako ang Nerd noon. Hindi lang ako Maganda, MAS maganda na ako sa mga taong nanalalait sa akin noon. Ipapamukha ko sa kanilang lahat na mali ang binangga nila. Dahil Si Ms. Nerd ay Nagbalik na!!