Isang normal na bata lang din siya kung iyong pagmamasdan.Tahimik at mahina kung minsan. Ngunit hindi nila hinagap na darating ang araw na siya pala ang magiging pinaka-kinatatakutan. Sadyang minsan ang pagiging mahina ay nasa katauhan na ni Elena, mula pa lamang nang isilang hanggang sa nagka-isip ay walang natatanggap na papuri kahit mula sa kanyang mga magulang. Madalas din kutyain ng mga batang kaanak niya sa kanilang maliit na baryo, tampulan nang tukso ng kahit sino. Minsan sa hindi inaasahang araw ay magtatagpo ang landas nila ng batang si Lorna sa baybayin ng dagat kung saan pinangingilagan ng lahat, bitbit ang mga alagang kuting na siyang magbubuklod sa dalawa upang magsimula ang magandang samahan. Doo'y mababago ang lahat kay Elena. At ang hindi inaasahang mga bagay ang magpapamulat sa kanya sa katotohanan. Matututo siyang lumaban at ipaglaban ang mga para sa kanya, na kahit pa buong baryo na angkan nila ay uubusin niya. Tunghayan natin ang kuwento ng buhay ni Elena. Kung paano siya ngumiti at umiyak. Kung paano siya nakipag-kaibigan na pinag-ugatan ng lahat. Isang maikling kuwento na bunga lamang ng malikot na isipan. Ang mga nilalaman po ay pawang walang katotohanan. Aking magalang pong pasintabi sa lahat ng tunay na may nalalaman. June_Thirteen's "PASLIT" All rights reserved. Any part of this story can't be copied without the author's permission. Published: May 13, 2016
49 parts