Hinding hindi ko kailanman makakalimutan ang pangyayaring bigla na lang bumulaga sa akin, at sa karamihan. Isang bagay na kahit sa hinagap ay hindi ko ina asahang mangyari nuong araw, oras at nuong gabing iyon. Thursday 11:30 pm habang kami ay abalang nagkakainan sa Multi Purpose ng aming simbahan, birthday din ng aming kora paroko nuong araw na iyon. Kaarawan ng aming pari na si Father Sonny nuong gabing mangyari ang bagay na hindi ina asahan, araw din iyon ng praktice namin sa simbahan para sa gaganaping christmas concert kinabukasan. Isang pangyayaring nagbigay ng lakas ng loob at tibay ng panindigan na mas lalu pa kaming maging malapit sa ating panginoon, nagbigay inspirasyon para bumangon sa karamihan. Sa Di ina'asahang pangyayari marami ang nawalan at marami din ang naging mas malakas ang loob na harapin ang panibagong bukas na darating para sa aking mga kabaranggay na nawalan ng tahanan.
3 parts