My Sweet Surrender COMPLETED (Precious Hearts Romances - 2012)
11 parts Complete "Akala ko, sa panaginip ko na lang uli mahahawakan ang kamay mo. Akala ko, kailangan ko nang matulog maghapon at magdamag para lang makita kita uli."
Tuliro si Margaret. Bukod kasi sa ipinamanang sandamakmak na utang sa kanya ng ama niyang sabungero, inirereto pa siya ng madrasta niya sa isang amoy-lupang pinagkakautangan din nila. Wala siyang balak ipambayad ang sarili niya sa utang!
Mabuti na lang at nakilala niya si Jedi-ang guwapong lalaking itinuro niyang boyfriend niya upang tantanan siya ng kanyang madrasta. Walang pag-aatubiling tinulungan siya nito. He was kind, lovable, and, oh, so caring. Hindi nakapagtatakang nahulog ang loob niya rito.
Binale-wala niya ang kaalamang katulad ng kanyang ama, sabungero din si Jedi. Ngunit nang mas makilala pa niya ito, nag-alinlangan ang kanyang puso...