Nasubukan mo na bang ma-inlove..? Teka, rephrase, rephrase. Para mas madali, Na-inlove ka na ba..?
Nakaramdam ka na ba nung excitement at tuwa na gustong-gusto mo siya laging makita at makasama?
Yung gusto mo, nasa perimeter ka lang ng mata niya?
Yung gusto mo, lagi ka niyang napapansin?
Yung kulang na lang bulgaran mong sabihin sa kanya kung anong ginagawa mo at gagawin, lahat ng gusto mong gawin at kung nasan ka?
Yung heartbeat mo pa, hindi normal kasi ang bilis-bilis tumibok na kulang na lang tanggalin mo na sa loob ng dibdib mo dahil sa gulo nito?
Tapos gusto mo, lagi kang updated sa kanya. Alam mo dapat lahat ng bagay tungkol sa kanya. At gusto mo ikaw ang pinaka-unang makaalam.
Iyon ay ilan lamang sa mga pwedeng maranasan ng isang normal na tao. Oo, normal as it was stated, kasi normal lang ang ma-inlove.
So, naranasan mo na rin, right?
Pero kapag na-inlove ka ba sa taong ilang beses ka ng pinaiyak, pinaluha, at pinaglaruan, normal pa rin ba yun?
Masasabi mo bang baliw ako, tanga, bobo kung dun pa ako na-inlove sa taong hindi naman ako binibigyan ng attention? I mean, it seems like a one-sided love kasi ako lang ang nagmamahal sa kanya.
Masisisi mo ba ang isang taong patuloy pa ring nagdadasal, nangangarap ng gising, at umaasang balang araw mamahalin din siya, katulad ko?
Masisisi mo ba ako kung may nakikinita akong kakaiba, yun bang parang may gusto sin siya sa akin based on my instincts?
Bakit kasi, kahit ilang beses na niya akong pinapaiyak at sinasaktan, ganun pa rin? Ganun pa rin ang feeling ko, walang pinagbago.
Minsan, nag-promise ako, 'this will be my one last cry'. Pero bakit sa mga sumunod na araw, nandun pa rin yung pagmamahal ko sa kanya?
Ang hirap 'no? May happy ending kaya ako?
Hanggang kelan ako dapat umasa at mag-hintay.
Pero ang tanong, dapat pa ba akong umasa at mag-antay kung hindi naman siya nagpapaasa at nagpapa-antay?
© All Rights ReservedAll Rights Reserved