Ang daming tanong dito sa mundo ng pag-ibig.
*Bakit ang daming paasa?
*Bakit ang daming bitter?
*Bakit ang daming manhid?
*Bakit hindi ako crush ng crush ko?
*Bakit ang tanga ko pagdating sa love?
*Bakit siya pa? Marami pang iba pero eto ang lagi kong naeencounter.
*BAKIT ANG DAMING MANLOLOKO?
Bakit nga ba? Kung pwede lang pagsama samahin ang matitino at seryoso, at hayaang maglokohan ang malalandi at manloloko! Haysss..
Pero syempre hindi yun pwede. Bukod sa hindi kaya ng pamahalaan ay malay naman natin, baka magbago pa sila? Hindi natin sila pwede husgahan. Hindi natin alam ang sakit na mga pinagdaanan nila. Matuto tayong i-appreciate yung nararamdaman ng iba at sana matuto din tayo sa experience ng iba.
Kagaya sa istoryang ito ng isang babae na nagmahal ng todo, nasaktan at niloko ng paulit ulit kaya nagbago at isang lalaking hindi makamove on sa kanyang past kaya gumagamit ng ibang babae para panakip butas.
Sa tingin niyo? May forever ba sa mga naglolokohan?