Have you ever had that crush to someone whom you know and you accept that both of you will never be a 'thing'? Kung baga Walang-Forever-Mode ka sa lagay na 'to. Na hanggang stalk ka nalang sa Facebook, Twitter at Instagram. Yung tipong nagka-account ka sa Twitter at Instagram dahil sa kanya, para lang ma-follow mo siya. Yung pati parents, kapatid, manager, pinsan at pati girlfriend ng pinsan niya kilala mo. Yung kapag tumingin lang siya sa direksyon mo, kahit hindi talaga sa'yo, ay parang nasa cloud 9 ka na. Yung magkasalubong kayo sa hallway at may moment na ilang inches nalang ang distansya ng mga braso niyo, at naamoy mo pa ang paborito niyang cologne na sobrang bango. At yung makita mo lang siyang nakaupo sa favorite coffee shop mo, ay feeling mo meant to be na kayo. Yung kung ano ang favorite color, music, quote, car, shoes, shirts, at food ay paborito mo na rin.
Hay pag-ibig nga naman oh. Pag-ibig nga kaya ito? Ewan, basta ang sarap sa pakiramdam.