Hindi lahat ng kwento may masayang wakas. Pero lahat ng kwento, may tuldok. Ang tuldok, hindi pang-tigil. Pahinga lang yun. Paghinga. Bago magsimula ulit. Itong libro, collection ng mga tuldok ko. Yung mga gabing pinili kong magbitaw. Yung mga umagang pinili kong lumaban. 12 na tula. Walang edit. Walang pilit. Kung ano yung lumabas nung 3am, yun yun. Kasi natutunan ko: Hindi mo kailangan ng tamang sukat at tugma para maging totoo. Kung bitbit mo rin ang sakit, malugod kitang sinasamahan. Basahin mo lang. Dahan-dahan. Tuldok tayo sa bawat pahina. Pero walang wakas. Pangako. -shedtears_11
More details