Ako si Darren, ngayon ako ay 3rd year highschool na, simula ng aking pagtungtong sa highschool ay palipat lipat na kami ng bahay dahil sa trabaho ng mga parents ko. Masaya dahil makakakilala ako ng mga bagong kaklase pero malungkot dahil di ko na makikita ang mga kaibigan ko sa dati kong school. Di ko inaakalang sa bago kong school makikilala ang babaeng magbabago sa aking buhay.