Lagi ko siyang pinagmamasdan mula sa kalayuan. Lagi kong inaalam kung ano na ang kalagayan niya. Lagi ko siyang sinusundan kahit saan siya magpunta. Ewan ko ba kung bakit pero simula nung una ko siyang makita, palagi ko na siyang hinahanap-hanap Palagi na kong gumagawa ng paraan para mapansin niya ko. Lahat ng kahihiyan ay tinitiis ko. Lahat ng makakapagpasaya sa kanya ginagawa ko. Bakit? Simple lang naman ang sagot diyan eh. MAHAL KO SIYA! ...