Salegreana and Caneyphiean
44 parts Complete MaturePrequel to The Decadence of Nacemiah
IN A MYSTERIOUS BATTLEFIELD, THERE WILL BE SURELY A MISERY THAT WILL LEAD TO AMITY.
Kabayanihan. Kilala si Caneyphiean Matangbughaw sa kaniyang kagitingan, ngunit hindi lingid sa kaalaman ng kaniyang mga kaanak na nagsimula ang lahat sa kaniyang pagnanais na maging tagapagtanggol ng kanilang kaharian dulot ng isang pangyayari na kung hindi niya natuklasan, marahil ay nanatili lamang siya sa pagiging pangkaraniwang mamamayan.
Ilang taon bago naganap ang pagbagsak ng Nacemiah, si Caneyphiean ay naging abala sa pakikipagbuno sa kaniyang mga damdamin na humahadlang sa pagiging dalisay ng kaniyang mga layunin. Habang siya ay pinapaligiran ng linggatong, darating si Salegreana, subalit siya ay pumasok sa kanilang buhay hindi upang magbigay ng kaliwanagan, kundi upang hanapin ang natatagong karimlan.