Simula namatay ang Ina ni Shulamin Monreal, di na siya nakaramdam ng pagmamahal. Kasabay nito, pinabayaan na rin siya ng kaniyang Ama.Nag-iisa siya.Walang komunikasyon sa kaniyang kamag-anak. Sa loob ng dalawang taon na pangungulila sa kaniyang mga magulang, ang tanging naging kasama niya lang ay ang kaniyang Matalik na kaibigan, si Dilean. Kay Dilean niya lang naranasan ang pagkalinga na matagal na niyang inaasam na gawin rin sana ng kaniyang Ama. Pero hindi lahat ng gusto natin ay puwedeng makuha. Lihim na minahal ni Shulamin si Dilean. Pero sa araw na magtatapat na sana siya ng kaniyang nararamdaman, nalaman niya na ikakasal na pala ito. Galit, Inggit at Paghihiganti. Yan ang kumontrol sa isip niya kaya napilitan siyang gumawa ng Kasamaan. Isang bagay na magiging dahilan kung bakit mapupunta siya sa kulungan. WANTED: SHULAMIN MONREAL Di niya alam na ang taong magpapaamo sa kaniya ay nasa Kulungan rin pala. Wattpad © Yomikomi_Kakimasu "Prisoned"