Si Saija ay isang babaeng simple pero brutal. Katulad ng pagiging simple niya, simple rin lang ang pamumuhay niya. Masaya at Kontento siya sa mga bagay na meron siya. Masaya siya sa piling ng pamilya niya kahit mahirap lang sila. At bukod pa dun, kasama niya ang bestfriend niyang si Takumi sa hirap at saya. Until one day, nakilala niya ang sira ulo, baliw, sakit sa ulo, makulit, childish na anak ng kadeal ng kompanya kung saan siya nagtatrabaho, si Adrielle Tan. Simula ng araw na yun, para kay Saija, nagkaleche-leche na ang buhay niya. Gumagawa kasi ng paraan ang binata para asarin, bwisitin, inisin at ipahamak siya. Ewan ba niya kung bakit sa tuwing nakikita nito ang asar na mukha niya, eh halos magpa-fiesta ito sa kaligayahan. Matagalan niya kaya ang pambubwusit nito sa kanya gayong, eto pala ang magiging kasama niya sa project ng company nila. at ano nga ba ang dahilan nito upang asarin siya? Eh kung iisipin nya, buong buhay niya, naging mabait naman siya.
6 parts