Ilang beses ka na bang umaasa na posibleng ma-inlove sayo ang crush mo? Posible. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Ilang ulit ka na bang nag-effort na mag-papansin sa kanya pero kahit anong gawin mo feeling mo naka-invisible cloak ka? TAMA NA YAN! Oras na para lumaklak ng katotohanan. Kaya heto ang ilan sa mga natutunan ko sa pagkakaroon ng apat na taon na tinatawag nilang "one-sided" crush.