May mga pagkakataong naoobserbahan nating nilikha ng puwersang eksternal o ng sinomang diyos ng alinmang relihiyon ang ilang ganap sa buhay na tumutulak sa tadhana ng tao. Ito ang mga pangyayaring labas sa ating kontrol. Ito ang mga ganap na alam nating magaganap lang sa ilalim ng kapalaran.