AUTHOR'S NOTE / TEASER
So, it's Christmas! Isang maligayang Pasko po sa lahat. Sana na-enjoy ninyo ang pagdating ni Hesus. Ako, enjoy na enjoy ko kaya naman ibabahagi ko sa inyo ang aking ilang istoryang na-publish under "LIFEBOOKS". Dahil Christmas naman, ito na ang pamasko ko sa aking mga minamahal na readers, lalo na sa mga readers ko rito sa "watty" na naghihintay ng susunod kong posting. I'm so sorry sa late na pagpaparamdam sa inyo.
Uunahin ko na pong i-post ang Miss Careless and Her Love Letters Book 1. Dahil sinabi kong "uunahin", yep, there's more pa po! At muli, humihingi po ako ng patawad sa pag-delete ko ng istoryang "Puwede Ka Bang Mahalin", kasabay na rin nang paghingi ng sorry dahil hindi ko nagawang i-post ang ilang kabanata patungo sa "wakas" ng kuwento, dahil ito po ay na-submit ko po ang story sa isang publishing.
Maraming salamat Sir Edsel sa pagbibigay ng pahintulot na i-post ko rito sa wattpad ang istorya kahit pa published na siya. Godbless!
Enjoy reading! :)
P.S. Thank you po sa patuloy na pagsuporta sa aking mga akda.Sa mga nag-aabang po ng book 2 ng Miss Careless and her Love Letters, pakihintay lang po. Salamat sa pang-unawa. And, Miss Careless and Her Love Letters Book 1 is still available in bookstores near you, please still grab a copy. Ikatutuwa po ito ng inyong abang lingkod. Muli, maraming salamat!
-HeidzColette
Teaser
Truly, madly, deeply. Ganito ang awit ng puso ni Charlotte para kay Earl. Iyon nga lang, hindi niya iyon maiparating dito. O mas tamang sabihin na hindi niya kayang iparating ang nararamdaman para sa lalaki. Magkaiba kasi ang mundong ginagalawan nila. Kilala ito sa Carmella University samantalang siya ay isang simpleng estudyante lamang.
Pero isang insidente ang naglapit sa mundo nilang dalawa. Hanggang sa isang araw ay inalok siya nitong maging girlfriend nito..."Pretend" girlfriend! Yay. Paano siya magpapanggap na girlfriend nito kung hindi niya kayang magpanggap na hindi niya ito mahal?
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.