Siya si Shayne Sophia Park o mas kilala sa tawag na Phia, at panget siya, siyempre sanay na siya. Mayaman siya, matalino, mabait. Kulang nalang talaga sa kaniya ang kagandahan. Hindi madali ang araw araw sa buhay ni Phia. Ni minsan hindi niya naranasan na umuwi ng bahay na hindi umiiyak dahil sa panunukso ng mga kaklase niya. Pero nagbago lahat ng iyon nung makilala niya ang kaniyang first love, ang unang lalakeng nagmahal sa kaniya ng buo at nakita ang panloob na kagandahan ni Phia. Mapaglaro nga talaga ang tadhana, hindi alam ni Phia na niloloko lang pala siya ng boyfriend niya, kasabwat ang bestfriend niya. Phia left the country to move on, and well, heal her broken heart, pero hindi nawala sa isip niya ang panlolokong ginawa ng kasintahan at kaibigan. And now, Phia's back, pero hindi na ang panget na Phia ang bumalik kundi ang maganda at palabang Phia, at isa lang naman ang rason kung bakit pa siya bumalik: to get even...