(An ALDUB INSPIRED STORY) Xenna believed na may FOREVER, kaya ginawa niya lahat para mahanap ang di umano'y soulmate niya. Naniniwala siya sa mga kagagahang nababasa niya na totoong nag-eexist nga mga mala FAIRYTALE na lovelife at ending. At dahil broken ang lola niyo, dahil sa EX niyang impakto, EFFORT kung EFFORT ang paghahanap niya kay Mr. Right. At hindi kayo maniniwala sa mga kagagahang magagawa at nagawa niya, sa ngalan ng PAG-IBIG. Ating kilalanin si Xenna at samahan siya sa paghahanap niya sa kanyang FOREVER, at kung mapapatunayan ba niya na ang salitang "I LOVE YOU" ay nakakabuntis?