Ilan na ba ang naloko ng salitang Forever? Takte di na ata mabilang eh. Sa milyon milyon ba naman na nagpapakatanga sa pag ibig. Kaso sa kasamaang palad, isa ako sa mga nalinlang, naloko, nagpakatanga't nasaktan. Mapagbiro talaga no? Pero kahit na ilang beses na akong nagbigay ng paalala at precautionary measures about sa Forever eng eng na yan sukat, heto pa rin ako at nagpapakalunod sa Pesteng Forever na yan. Kung hindi lang sana pinauso yan, sana wala ngayun yan sa mahabang listahan ng mga problema ko. Gustong gusto ko na nga yan ipatanggal sa vocabulary ng mga taong adik sa Forever, wala namang forever! Nga lang ganun talaga na hindi mo mapigilan ang bugso ng damdamin at sigaw ng puso. Kung ang utak mapapakiusapan pa ang puso naman ang tigas ng ulo na kala mo may skull. Forever kitang mamahalin, forever kang nasa isip ko, sarap pakinggan, pero malay mo iba ang kadugtong, Forever alone, forever Bitter. Hayy Forever ka pinapagulo mo buhay ko!
4 parts