Madaming dahilan kung bakit tayo nahohopia yung iba umaasa sa mga taong alam nilang hindi nila makukuha at yung tipuhang gusto mo siya , nagpapansin ka , pinansin ka , naging sweet kayo , nagkaattachments siya sayo , lumalim yung feelings mo sa kanya .
Tapos sa isang iglap magbabago ang ihip ng hangin . Yung akala mong sweetness niyo noon , patikim lang pala . Pinakilig ka lang , pinangiti , pahiram lang lahat .
Wala ka nalang ibang gagawin kundi magmukmok sa isang sulok habang paulit ulit na sinasabi ang pangalan niya . Halos patayin na siya sa mga salitang ayaw mo mang sabihin pero dahil sa inis at galit ay nabibigkas nalang ng labi mo.