Tinakasan ni Margo ang buhay sa probinsiya para tuparin ang mga pangarap na musmus pa lamang ay inaasam-asam na niyang marating. Kung kaya't nakipagsapalaran siya sa Lungsod ng Maynila. Ngunit nagkamali siya. Impeyerno ang kanyang kinasadlakan. Kailan liligaya si Margo? Marating ba niya ang langit na pangarap? Si Daniel ba ang sagot sa sa pangarap niyang langit? Mahal na mahal siya ng lalaki. Maski buhay nito ay handa nitong ipagkanulo para lamang sa kanya. O si Brian na tulad din ni Daniel ay mahal na mahal din siya. At lahat ng magagandang bagay ay kaya nitong ibigay sa kanya. Nalilito si Margo kung sino ang pipiliin.