"Ano, tatanggapin nyo ba ang offer ko?" Tanong sakanila nang misteryosang babae. Nagkatinginan muna silang magkakabanda. "Pwede bang pag-usapan muna namin 'yang offer mo?" Sagot ng isa sa kanila. Ang Base Guitarist. "Mahabang panahon na ang ibinigay ko sa inyo. Kulang pa din ba iyon? O baka ayaw nyo lang. Kayo din, sayang din iyon." Nakaingiting pag-uudyok pa sakanila nang babae. "Ano na guys, kukunin ba natin?" Tanong ng isa sa kanyang mga ka-grupo. Ang Keyboardist. "Ewan." Maikling tugon ng lider nila. Ang Lead guitarist. Napatingin naman ang tatlong miyembro sa isa nilang miyembro. Kailangan nilang makuha ang sagot mula sakanya bago sila magdesisyon. "Fine." Maikling sagot nito. Ang drummer. "Now you already know the answer." Sabi ng kanilang lider. Their final decision. Napa-"Yes!" naman ang babaeng nag-offer sakanila. "Walang makakakilala sainyo duon. Makaka-asa kayo saakin." Sabi nya bago umalis. Ano ba itong pinasok namin . . .