Si Mavis Delgado ay simpleng namumuhay kasama ang kanyang tiyahin na si Aling Rosie at nang kanyang pinsan na si Carmela. Paano kung isang araw, mapaalis na lang sya sa paaralan nya at pinalipat sa ibang paaralan? Ito ay ang Blood High: School for Vampires. Kung saan ang mga batang bampira ay dito pinag-aaral ng kanilang magulang, para pag-aralan nila ang mga tungkol sa pagiging bampira. Sa pag-aaral ni Mavis dito, marami syang malalaman tungkol sa tunay na pagkatao nya. Dito niya malalaman na siya ay isa palang bampira. At ang kinalakihan niyang tiyahin at pinsan ay hindi pala niya kaano-ano. Maraming tanong sa isip niya, tulad ng asan ang mga magulang niya? Bakit siya napunta sa mundo ng mga tao? At bakit hindi siya tinutubuan ng pangil? Masasagot kaya ang mga tanong niya sa pagpasok niya sa Blood High?