May mahalagang misyon si Nyebe.
Kailangan niyang tumawid sa makabagong mundo at henerasyon upang hanapin ang nawawalang prinsipe - ang tanging may kapangyarihang kayang talunin ang malupit na reyna na sumakop sa kanilang kaharian.
Sa tulong ng kanyang gabay-diwa, dinala siya ng kanyang mga paa sa isang kakaibang bahay... tahanan ng pitong nagwagwapuhang kalalakihan. Sabi ng diwa, malapit lang ang prinsipe.
Pero gaano nga ba kalapit?
Posible kayang ang isa sa kanila... ay ang prinsipe mismo?
Habang isinasakatuparan ni Nyebe ang kanyang misyon, matututuhan niyang mabuhay sa mundo ng teknolohiya, tsismis, at kape sa 3-in-1, habang nakikisalamuha sa pitong lalaking hindi lang gwapo, kundi may kanya-kanyang misteryong kailangang tuklasin.
Mahahanap ba niya ang prinsipe?
O sa halip... pag-ibig ang matatagpuan niya?
Abangan ang kwento ni Nyebe - sa pagitan ng dalawang mundo, isa lang ang pipiliin.
Todos los derechos reservados