Ano kayang pakiramdam ng maging sexy at maganda? Magkakandarapa kaya sila sa akin? Ano sa tingin nyo? Alam niyo ba kung bakit ako nagtatanong dahil ang maging maganda at sexy ay aking pinakamimithing pangarap na parang imposibleng matupad. Dahil isa lang naman akong hamak na matabang poorita na may constellation sa mukha. Try go imagine kung anong itsura ko kaya eto ako nangangarap na lang at nag fifeeling maganda kahit hindi. Ako nga pala si Jami Funes at nagmula sa planetang hindi mo kailanman makikita at samahan niyo ako sa aking paghahanap sa natatangi kong forever na hindi ko mahanap kung saan sa kasulok sulukan ng mundo ko siya makikita.