Isang buong pasada ng kwento ng isang tao na kahit napuno man ng sobrang hinanakit at kasadlakan sa buhay ay naging matatag at dterminado upang maiakyat ang sarili sa rurok ng tagumpay sa buhay. Isang kwentong hango sa kadalasang pangyayari sa ikot ng buhay alanganin.
Ang drum na may tubig ang saksi sa lahat ng ginawang pang-aalispusta kay Cire, sa mga hirap at sakripisyo na kalakip ng tagumpay na galing sa sariling determinasyon at puso. Sumisimbolo ang drum na ito sa pagiging matatag niya sa tuwing inilulunod siya ng kanyang ama dahil sa pagkamuhi nito. Sa kabila ng lahat ng pangyayari ay masasaksihan natin kung ano ang buhay ni Cire at kung paano niya ipinaglaban ang karpatan ng isang tulad niya. Ang kwentong umaaadbokasya sa komunidad ng LGBT, maging kuwento din ng pag-asa at inspirasyon sa mga tulad ntin.
Created by your's truly, Ket Sebastian.