Masayang naglalakad si Girl, habang kumakanta siya ng "Sparks Fly". Lalala~ Lalala~ Nang bigla siyang natapilok, napaluhod at nagpagulong-gulong sa gitna ng highway, at nako... muntikan nang mawalan ng malay. Ay, tanga. Maluha-luha siyang tumayo tapos ay nagpasalamat dahil naka-survive siya kahit nagtamo siya ng ilang galos sa braso. Ang OA. May nakita siyang parang notebook, kinuha niya iyon. Parang secret diary. Lingid sa kanyang kaalaman na maraming makikita rito. Lahat ay maaalam. Lahat ay mababasa. Lahat ay lahat. Binuklat niya ang mga pahina ng notebook. Nagulat siya sa kanyang nakita. Puro letra. Hay, tanga talaga. Natural may mga letra. So, hanggang sa pinagpatuloy niya ang pagbasa...at ito'y itinago niya. Ngunit ano nga ba ang nilalaman nito? May kinalaman kaya yung notebook na iyon sa buhay ni Girl? Makaka-libre na kaya siya ng isang piraso na notebook o makukuha ito ng may-ari sa kanya? *insert creepy piano audio here*