Marami na akong nakitang mga taong nasasaktan,kasi hindi sila mahal nung mahal nila. Kahit masakit na hindi nila iniiwan yung mahal nila,kahit ipinagtatabuyan na sila.
Handa silang alalayan ang mahal nila,handa silang magsakripisyo para sa kanilang mahal. Makita lang nilang masaya ito,na hindi ikaw ang magiging dahilan kung bakit siya masaya. Dahil ginagawa mo ang lahat para mapalapit siya sa mahal niya,nagtitiis kahit nasasaktan.
Kasi ang mahalaga sa atin ay maging masaya siya sa piling ng mahal niya,kahit nahihirapan na tayo. Itinatago natin yung sakit at lungkot na nararamdaman natin. Kasi ayaw mong ipakita na siya ang maging dahilan kung bakit ka malungkot at umiiyak,siya ding maging dahilan ng paglayo sa'yo
Ano bang mangyayare kung ikaw na lang ang nag mamahal?, Gagawin mo ba ang lahat para bumalik kayo sa dati o hahayaan mo nalang mapagod ka hanggang sa ma realize mo na wala ka nang nararamdaman.