Sa lahat ng nobelang sinulat ko, ito ang pinakamahirap simulan. Sa lahat ng nobelang sinulat ko, ang kwentong ito ang ayaw kong lagyan ng katapusan. Durog ako. Dinurog mo pa ako lalo. Akala ko hanggang tayo sa dulo. Pero mas pinili mong baguhin ang ating kwento. Pinaasa tayo ng tadhana. Ang landas nati'y naghiwalay. Love story nati'y sumablay. Ngunit, bago kumupas ang ating alaala. Hayaan mo akong isulat ito. Ang huling kwentong tungkol sa 'yo; Ang huling kwentong para sa 'yo; At ang huling kwentong ang bida ay tayo. Kakayanin ko 'to. Paalam. - Ang Masokista