Tula ng Ironiya
Marvin M. Mercado
Ang mundo ng mga umiibig ay parang tula ng ironiya.
Natutuwa sa sakit, kinikilig sa asa.
Naniniwala sa baka, nasasarapan sa dusa.
Lumulutang sa ere kapag nahulog na.
Parang sirang plaka kahit pagod na.
At paulit-ulit na naghihintay kahit wala na.
Ang tula ng ironiya ay parang mundo ng mga umiibig.
Kahit bigo ay masaya ang pighati at ligalig.
Bumabagal ang oras, parang pusong pumipintig.
Nagbabakasakali sa mga lambing na malalamig
at mabilis na imahe ng mga malalalim na titig.
Minsad, baliktad ang lahat, oo, sa pag-ibig.
Ang pag-ibig ay kakaiba...
Kung kaya't mayroong tula ng ironiya.