Mga mata ko sayo'y nakatuon
Tinititigan ka sa malayo, ika'y and'on
Damdaming matagal ng nasa kahon
Pusong pigil, hindi makayang ibaon
Kunwari'y nakapikit, ngunit ika'y masid
Patagong titig, sana'y dimo pa batid
Di'ko alam kung saya ba ang siyang hatid
O lungkot ba na parang sa daa'y napatid
Presensya ko'y andito lang sa tabi
Pero dimo makita, parang dilim sa gabi
Pag-aming kailan ma'y diko masabi
Hirap bigkasin ng aking mga munting labi
Ika'y iniisip tuwing tumitingala
Sa buwang singganda ng iyong mukha
Dala mo saaki'y kakaibang ligaya
Ngunit tanong saking sarili,
Hanggang titig nalang kaya?
Prose that may be too bland or too blue;
Random stories that may or may not be true;
All penned by Alice in her times of loneliness;
They shall aid the mind and heart of the restless.