A Piece of Love Jhea20 Naniniwala ka ba sa salitang FOREVER??? o katulad ka rin ni author na saksakan ng pagkabitter? Eh si DESTINY? Nagkakilala na ba kayo? O kahit nagkabanggaan lang sa daan? Exchanging hi's and hello's? Kung wala pa rin, siguro naman kapag sinabi ko ng LOVE naniniwala ka na? Let's take a deeper word... TRUE LOVE... Kung walang TRUE LOVE, walang DESTINY o FOREVER. Hindi ka naniniwala? Malay natin ako pala ang tama at ikaw ang mali. Sabi nga nila: "People live their lives bound by what they accept as correct or true. That's how they define 'reality'. But what does it mean to be true or correct? Merely vague concepts... their 'reality' may all be a mirage. Can we consider them to simply be living in their own world shaped by their beliefs?" Ito nga pala ang istorya ng buhay ko, isa lang akong babaeng minsan ng nakaranas ng tunay na pagmamahal. Kaya lang dahil sa gulo ng mundong ginagalawan ko, nawalay ako sa kanya at dumating ang isang araw na nagmulat na lang ako ng mga mata na ni isang bakas ng alaala ko sa kanya ay naglaho maging sa buo kong pagkatao. Paano kung ang dating magulo at palabang buhay ko ay mapalitan ng ibang katauhan? Darating pa kaya ang panahon na ang dating nawala ay muling magbabalik? Paano kung nahulog na ang loob ko sa bago kong mundo? Nanaisin ko pa kayang balikan ang nakaraan? How will FATE complete my life if a piece of it is missing? How will DESTINY play my story? Is this will lead me to FOREVER??? Isa nanamang panibagong kwento ang mababasa ninyo mula sa malawak na imahinasyon ni author. This is a mafia-romance story... names, characters, events are all product of the author's imagination. Anything resemblance to real life is entirely coincidental. New story nanaman... sana magustuhan ng mga readers... comments and suggestions are highly appreciated...