My name is Thorne Alonso. Bukod sa rivalry ko sa cousin ko, I can say that I have a perfect life. Guwapo ako. Matalino. Mayaman. I always get what I want and do what I want. YOLO, 'pre. No time for serious stuff. Popular ako sa campus at lahat ng chicks, hindi ko na kailangan ligawan kasi sila na ang kusang lumalapit sa akin. Wala akong sineseryoso. For me, relationships are just a game that I always win.
Pero nang makilala ko si Danica Solomon, nagbago ang lahat.
Kung bakit naman kasi siya pa ang naisip kong pormahan para maging date sa dance party ng Richdale University. Kung bakit naman kasi naisip ko siya pag-tripan dahil lang type siya ng cousin ko. Kung bakit ba naman dineadma ko ang bulong ng instinct ko when Danica and I first met. Nagkaroon kasi ako ng feeling 'non na iba siya sa lahat ng chicks na nakilala ko na.
Bumalik tuloy sa akin ang karma.
One year after the disastrous dance party, when my cousin punched me in front of the whole student body, at kung kailan nalaman ko rin na naglolokohan lang pala sila ni Danica, bigla siyang sumulpot sa bahay namin.
With a baby in her arms.
What the heck?!
Caleb wanted and longed for a child and a beautiful family. Kaya ginawa niya ang hindi hassle na paraan para matupad iyon: he purchased a wife.
But it turns out na pinahirapan lang niya ang sarili niya. Serena---his bride---was not the lady he has thought to be.
Pero responsableng tao si Caleb. Aayusin niya ang gulo na siya mismo ang gumawa.
Pinakasalan siya ni Serena dahil sa pera niya. Ipapakita naman niya sa asawa na may mas mahalaga pang "asset" sa kanya na dapat ay pansinin nito...