Sa bayan ng Victoria nakatira anga pamilya Dalisay. Masaya ang mag-anak ni Mang Pedro, siya ang padre de pamilya, si Aling Maria ang ilaw ng tahanan at si Ave naman ang nag-iisa nilang anak. Hindi man sila mayaman pero masaya naman sila sa kanilang buhay. Palaging pinaaalala ni Mang Pedro sa kanyang mag-ina na kahit anuman ang mangyari ang panindigan nila ang kanilang dignidad at integridad. Ngunit mapanindigan pa rin kay nila ito kung may isang pangyayaring susubok sa kanilang paninindigan?