Photo Credit to: http://www.liveinternet.ru PAG-IBIG FOR SALE Sa Panulat Ni Denver Fadriquela Pag-ibig. Isang salita na dumudugtong sa iba't-ibang damdamin ng isang tao. Pwede siyang ibigay at ipamigay. Ninanakaw at nanakaw. Ganun kasimple. Sa gaya kong ilang beses ng naiwan eh kahit sino titigas ang puso. Hanggang ngayon dala-dala ko 'yun. Hindi na mawawala sa alaaala ko ang lahat. Ganun naman talaga. Mas hindi mo kayang makalimutan ang mga panahon na sobra kang nasaktan. Ako nga pala si Arabella. Pero pwede niyo na'kong tawaging Ara. Hindi ako "foreigner". Sadyang "blonde" lang ang buhok ko para kahit pano naman eh mabenta ako. Actually, alam ko wala namang magandang aral ang kuwento ko. Isang malaking kahibangan kung isasalaysay ko pa. Pero pagbigyan niyo na'ko. I'm 32 years old and still single. Syempre never been touched din. Kasi naniniwala pa rin naman ako na mas magandang ibigay iyon sa lalaking pakakasalan muna ako. Well, I know its never too late. Mukha naman akong 16 y