Mga Hibla Ng Alamat
Bago pa man may pangalan ang mga bagay, bago pa man maisulat sa aklat ang kasaysayan, may mga kuwentong binubulong ang hangin, isinusulat ng ulan, at isinasayaw ng apoy. Sa koleksyong ito, tinipon ko ang mga alamat na isinilang mula sa tanong na madalas nating binabalewala: 'Bakit nga ba?'
Mula sa kwintas ng isang inang nawalan, hanggang sa aninong umiibig sa liwanag. Ang mga kuwentong ito ay pagsisikap kong bigyang-saysay ang pinagmulan ng kung anu-ano sa ating mundo. May ilang hango sa mga sinaunang pahiwatig na aking nasaliksik, ngunit karamihan ay buong-buong inani mula sa aking sariling imahinasyon.
Ito ay koleksyon ng mga munting alamat. Hindi dahil sila'y maliit, kundi dahil sila'y payak, subalit puno ng damdamin, kakatwang pag-iisip, at pagtatangkang unawain ang mundo mula sa mata ng isang batang mapagmasid, o ng matandang malikhain.
Maligayang paglalakbay sa mga kuwentong hindi mo alam na hinahanap mo.
Old title: Munting Mga Alamat