Pinaasa at niloko. 'Yan ang kinahantungan ni Kei Sawada. Dahil ang love life niya ay love life rin pala ng iba. Kaya nang magwakas ang 8 months, 1 week at 3 days na parang sila pero hindi naman na relasyon nila ni Lindsey ay sobra siyang nasaktan. Sakit na hindi kayang limutin ng alak, DOTA, at hindi kayang alisin ng Advil. At isa lang ang naisip ni Kei na paraan para mawala ang sakit. Ang magpakamatay. Tatalon na sana siya sa footbridge sa Morayta nang hatakin siya ni Abby Santillan---ang babaeng parang kabute na bigla na lang sumulpot sa buhay niya. Nag-offer ito ng tulong sa kanya. Tutulungan siya nito na mag-move on at magpapanggap na sila para pagselosin si Lindsey. Pero may isang kondisyon si Abby sa kanya: Bawal siyang ma-in love rito. Nakipag-deal si Kei na hinding-hindi mangyayari iyon, dahil hindi si Abby ang tipo niyang babae. Pero mas habang tumatagal ang palabas nila, mas nararamdaman ni Kei na parang nagiging totoo na ang lahat sa kanya. At kailangan niyang pigilan ang anumang namumuong damdamin. Dahil alam niya na ang unang mahulog ay talo. Ang librong ito ay para sa mga nasaktan at nagmo-move on kahit hindi naman naging sila. Para sa mga umasa. Para sa mga pinaasa. At para sa mga pakshet na nagpapaasa.
34 parts